The Irregular at Magic High School
today August 30, 2015, i just finished the anime.. this is very interesting to me... tungkol ito sa nang ang mga tao ay natuklasan ang paggamit ng modern magic.. na gumagamit ng CAD at iba pang mga imposible noon nagagawa na nilang posible... umiikot ito sa magkapatid na Shiba sina Tatsuya at Miyuki. Magkapatid pero magkaiba ng katayuan sa pamilya. sobra ang pagkalinga ng pamilya nila kay Miyuki pero iba ang turing nila kay Tatsuya, tinuturing nila sya at gamit o guardian lang ni Miyuki.
Ito ang isa sa mga kinaiinisan ni Miyuki sa kanilang pamilya, Pero ang pagmamahal nila sa isa't isa ay hindi maitatago... sobra ang pagpagpapahalaga ni tatsuya at miyuki sa isa't isa. na tipong gagawin nila ang lahat para maproteksyonan at malagaan ang bawat isa.
sobrang makapangyarihan ang taglay ni Miyuki gumagamit sya ng ICE power at si Tatsuya naman at ang kanyang talino, kombat skills at unique na magical skill (na kagagawan ng kanilang ina noong pinagexperimentuhan nila si Tatsuya noong Bata pa sya.)
Ang aking reaction:
Positive:
1. ang palabas na ito ay napakainteresting lalo na kung gusto mo ng action na may mga power at iba pa.
2. ang illustration at graphic ay masasabi kong maganda, gumagamit sila ng 3D effects sa ilang eksena sa ibang episode.
3. kaabang abang ang mga episode from 1 to 26.
Negative:
1. sa anime medyo madaming katanungan ang papasok sa iyo habang pinapanood mo ang anime na ito. for example. "paano nakuha ni Tatsuya ang ganyang kapangyarihan". "bakit ayaw nila sa kanilang pamilya" "bakit turing nila kay Tatsuya ay ibang tao" atbp.
2. ang ending medyo incomplete.. parang bitin...
yan natapos ko na ang anime na ito... pero talagang nakulangan ako sa anime na ito sana gawan nila ito ng second season.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento