Linggo, Mayo 14, 2017

TEAM TAMAD (Kwentong Medyo May Sense) 

About the Book
            Ang book na ito ay about the mga magkakabarkada na tipikal na makikita mo sa kalye. at yung mga character ay hango talaga sa mga tunay na tao na malapit dun sa author at artist ng librong Komiks na ito... ang panel style ng book na ito ay 1 to 4 panel. black and white pero kitang kita mo magaling ang artist sa pag guhit. 127 pages sya kaya medyo mabilis lang basahin kasi maikling kwento lang sya, binubuo sya ng 4 chapters. funny na may halong drama pero matatawa ka sa ilang panel ng komiks na ito.

Characters
1. Nazz - sya yung self proclaim leader ng barkada at sya ang bida ng istorya medyo weird yung buhok nya kasi bihira ko lang nakikita yang style ng book (siguro sa TV or Concert Video ng tatay ko na mga 80's to 90's na Rock Bands.) makulit, mahilig sa kok, sugod ng sugod kahit di nya alam ang hahantungan nya at may puso sa taong humuhingi ng tulong.
2. Lowi -  sya yung kaibigan nila na Cool lang at medyo slow pero walang tatalo sa kanyang secret technique ang  " Sayonachi" (sayo na chinelas ko)
3. Zarj - sya yung kaibigan na madaling kausap at maraming alam sa lugar nila para syang information center ng barkada.
4. Lycie - ang nagiisang babae sa group pero nakakatakot magalit... alam nyang pasaway ang mga boys lalo na si Nazz pero pagdating na need nila help nandyan sya.
5. Jepoy - sya yung kaibigan na mahilig kumain sa Jolly Tree pero di magets ang ibig sabihin ng 29ers ay food lang at walang drinks...
 6. Shaun - actually di sya kasali sa group nila Nazz pero isa sya sa laging nang babara sa trip ni Nazz na may sense naman. batang kalye pero may brain.  

Positive
 ang book na ito medyo nakakatawa at tuloy tuloy ang istorya maganda yung kwento at tuloy tuloy kaya di ka mabibitin. may humor yung artist sa pagdrawing nya ng mga Character kaya nakaka motivate tapusin agad yung chapter.

Negative
  Medyo nakukulangan lang ako sa storya... kasi siguro maikli lang ... pero dahil dun medyo maraming bumuo sa isip ko at may part na medyo predictable na kaya may posibility na mabored yung babasa lalo na kung medyo mataas ang expectation or ma alam sa komiks na ganyan ang genre.

I hope nagustuhan ninyo ang Book Report ko pasyensya na kung di ako makapagpost ng madalas medyo naging busy ako sa school at study ko. pero sana mabilis lang ang susunod na book report ko dito.