Sabado, Enero 18, 2014

Men are From QC, Women are from Alabang

so nakatapos nanaman nang isang libro at ito ang book report ko



ang men are from QC, Women are from Alabang ay tungkol sa pagkakaiba nang babae at lalaki sa maraming bagay... lalo na sa pag ibig... at dito sa libro na ito marami akong natutunan (pati kalokohan) tungkol sa personality nang tao at isa ito sa mga gagamitin ko para makatulong sa personality development at paano ako makikitungo sa mga tao lalo na sa opposite sex. sa totoo lang hindi talaga ako marunong makisama minsan nga naiisip ko napaka Plastic ko, kasi hindi ko masabi talaga yung gusto kong sabihin sa kanila at pagsinabi ko naman hindi ko alam kung tama ang pagkakasabi ko o na misunderstand nila... kaya minsan i prefer na ako lang magisa pero ang lungkot talaga eh.. pero minsan i manage to get along pero MINSAN lang...

pero balik tayo sa libro napansin ko sa mga impormasyon nakalagay sa libro maraming masasabi kong totoo pero meron din kaGAGUHAN lang yun ang Negative dito sa book meron sa ilang page ang nakokornihan ako at Sobrang Feelingero at feelingera... pero sa tingin ko isa rin ito sa mga nagpapalakas sa librong ito.. so naenjoy ko parin basahin ang libro at natapos ko sya.. :)

Kpop star and I

okay so today naisip ko na magsulat nang book report tungkol dito at naisip ko na rin mas maganda kung lahat nang librong matatapos kong basahin ay gawan ko nang book report. actually natapos ko na ito nang matagal na panahon ngaun lang ako nagkaoras na isulat ito sa blog ko...

Kpop star and I ay hango sa insperation nang awtor tungkol sa pamamalagi ni Jay park (former 2pm member nang South korea boy group) at sa P.A. nyang Pinay (note Fictional lang ang story) ang masasabi ko kung bakit nagustuhan ito nang ibang kabataan at isama mo na rin ako ^___^ dahil sa mga mala fairytale na istorya nito tungkol sa isang idol at isang babaeng di interesado sa kanya na nadevelop dahil sa kagwapuhan nya.

sa totoo lang marami na akong nabasa at napanood na ganito ang plot nang storya... kaya lang dahil sa malakas na impluwensya nang K-pop o korean pop ngaun sa bansa natin hindi maiiwasan na magustuhan nila ang storya na ito... lalo na sa mga dalaga at mga filingerang dalaga dyan sa tabi tabi ^__^.

Kung bibigyan ko nang reaksyon ang librong ito, hmm unahin muna natin ang positive:
1. kung mahilig ka sa kpop makaka relate ka sa story (minsan kasi yun ang mga dream nang halos lahat nang fangirl kasama na ako dun)
2. maayos ang pagkakatahi anng storya at angkop sa mga teenagers ngaun.

Kung negative naman:
1. medyo common na yung storya nya... halos kayang kaya mo nang hulaan ang susunod na kabanata nang storyang ito.

pero sa overall maganda yung storya.. hmm natapos ko ang librong ito sa naalala ko 2 days. medyo konti lang naman hanggang 30 chapters lang ang libro at tagalog kaya mabilis lang para sa akin na nagfifiling mahilig magbasa.